Skip to main content

Pabatid! Sa lahat ng nagnenegosyo sa Bayan ng Culion


Simula sa unang araw ng Enero taong 2022 ipapatupad na po ng ating lokal na Pamahalaan sa pangunguna ng tanggapan ng Ingat-Yaman ang Electronic Business Permit and Licensing System (EBPLS) kaugnay sa pagkuha o pagrenew ng Business/Mayors permit bilang pagtupad sa kautusan ng Republic Act No. 11032 (Ease of doing business).
Ang nasabi pong batas ay may layunin na mapabilis ang serbisyo ng pamahalaang lokal at maiwasan ang red tape o korupsyon sa pagkuha ng Business/Mayors permit. Ang lahat po ng may negosyo ay mahigpit na pinaaalalahanan na sumunod sa takdang panahon ng pagrenew ng naturang dokumento upang maiwasan ang pagpataw ng multa. Ang nasabing panahon ng pagrerenew ay dapat gawin mula ika-1 hanggang ika-20 ng Enero sa darating na taon. Para po sa inyong kaalaman. Maraming salamat.
#abanteculion

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan