Skip to main content

PABATID SA PUBLIKO UPDATES : SA LAHAT NG FOOD BUSINESS OPERATORS, TEMPORARY BAN NG PORK MEAT PRODUCTS MULA SA MGA BANSA AT LUGAR NA APEKTADO NG AFRICAN SWINE FEVER

Ang lokal na pamahalaan ay nakikiisa sa panawagan ng Food and Drug Administration (FDA Order No. 2020-1283 Temporary Ban of Entry of Pork Meat Products from New Identified Countries Implicated with African Swine Fever) sa pansamantalang pag babawal sa pag pasok ng mga produktong gawa sa karneng baboy dahil narin sa banta ng African Swine Fever.

Ito ang mga bansang kasama sa temporary ban sa pag pasok ng mga produktong may kinalaman sa karneng baboy.

1. Indonesia
2. Greece
3. Myanmar
4. Serbia
5. Slovakia
6. South Korea
7. Germany

Pinaalalahanan ni Mayor V ang lahat na makiisa upang mapigilan ang pag pasok ng nasabing sakit sa sa ating bayan na makakaapekto sa ating mga alagang hayop at kabuhayan.

Ang sinumang lalabag sa pag-import at pag benta ng iba pang produktong gawa sa karne ng baboy ay nahaharap sa FDA Act of 2009, Food Safety Act 2013 at iba pang kahalintulad na batas.

#LGUkaagapayngbawatisa
#fightagainstspreadofASF
#LGUlaginghanda
#AbanteCulion

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan