PAG SASAGAWA NG MGA ALINTUNTUNIN LABAN COVID-19

Muling tinipon ang ating mga Barangay Official nito lamang nag daang araw ika-19 ng Mayo taong kasalukuyan. Sa utos ng ating butihing Mayor Ma. Virginia N. De Vera ng Culion, Palawan sa pangunguna ng itinalaga tagapag salita Maxin F Raymundo Municipal Administrator.

Muling isinagawa ang pagpupulong upang marebisita at mas mapaigting ang pagpapatupad ng GCQ laban sa kinakaharap nating CoVID-19. Napagusapan din ang ibat ibang isyung kinaharap ng mga nakaraan linggo at binigyan linaw ang mga ito.

Naging maayos ang mga pag uusap, at natalakay ang mahahalagang mga isyu upang mas maging epektibo ang implementasyon ng GCQ. Muling binigyan diin ni Mayor V ang kahalagahan ng pagmamalasakit sa bayan at sa ating mga kababayan upang buklod buklod nating mabantayan ang ating mga borders upang hindi makapasok ang corona virus sa ating bayan. Nanawagan muli si Mayor V sa mga opisyales at volunteers sa pagpapaigting ng implementasyon ng ating mga regulasyon.

Our Trusted Supporters

Copyright © 2018. Municipality of Culion, Province of Palawan. All rights reserved.

Powered By:

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!