PAGBABASBAS NG BAGONG SASAKYANG PANGKALIGTASAN NG MDRRMO, PINASINAYAAN!

TINGNAN : PAGBABASBAS NG BAGONG SASAKYANG PANGKALIGTASAN NG MDRRMO, PINASINAYAAN!
Nito lang Agosto 15, taong kasalukuyan ginanap ang pagbasbas ng ating bagong sasakyang pangsagip na sinundan ng maikling programa na pinangunahan ng ating butihing Mayor Ma. Virginia N. De Vera at ng ating MDRRMO Designated Mr. Armando Lagrosa ll. Upang iparamdam ang tulong at suporta sa mga kababayan nating nasa liblib na lugar at mag abot ng serbisyo lalong-lalo na pagdating sa kalamidad, sakuna, emergency sa mga area na hindi kayang abutin ng sasakyan.
Malaki ang maitutulong nito, katuwang ang sasakyang pangsagip para sa Medikal (Pick – up Patient) na hindi kayang kunin ng ating ambulansya. Madaliang transportasyon sa paghatid ng relief goods pagdating sa kalamidad at sakuna.
Base sa direktiba ng ating Punong-Bayan Mayor V ito ay pinunduhan mula sa 5% MDRRM Fund.
Sinisigurado ni Mayor V ang kahandaan para sa agarang pag reresponde at pag salba sa ating kababayan sa mga darating na kalamidad at sakuna.
#Sasakyangpangsagip
#mdrrmo
#abanteculion

Our Trusted Supporters

Copyright © 2018. Municipality of Culion, Province of Palawan. All rights reserved.

Powered By:

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan