
PAGBIBIGAY SUPORTA SA PAGLUNSAD NG “BIDA” PROGRAM SA PAMAMAGITAN NG FUN RUN MATAGUMPAY NA NAIDAOS!
Matagumpay na naidaos ang aktibidad patungkol sa Buhay Ingatan Droga’y Ayawan “BIDA” Program nito lang ika-20 ng Disyembre taong kasalukuyan na ginanap sa Municipal Ground ng ating Munisipyo. Nanguna sa nasabing programa ang pamunuan ng Department of Interior and
Local Government (DILG) sa katauhan ni MLGOO Binibini. April Grace Halili na sinundan ng maikling programa sa pangunguna ng ating abang lingkod Mayor V. Sinundan naman ito ng sabayang sayaw sa pamamagitan ng zumba bilang pagtatapos sabay-sabay na nakilahok kasama ang mga kawani ng Pamahalaang Lokal at sangay ng gobyerno sa pamamagitan ng Fun Run.
Layunin ng BIDA Program ay isang stratehiya ng pamahalaan upang malabanan maitigil ang paglaganap ng illegal na droga sa mga komunidad ng lalawigan sa tulong ng iba’t-ibang sector ng lipunan. Kaya’t binigyang pansin ng ating DILG Secretary Ginoong Benjamin C. Abalos na magkaroon ng pagkakaisa at himukin ang bawat isa na mapanatiling ligtas ang buhay kontra sa illegal na droga. Isa sa mga adbokasiya ni Mayor V na bigyang atensyon at partisipasyon ang kanyang nasasakupan na maging mapayapa ang bayan ng Culion kapit-bisig sa programang “BIDA” na pinatupad ng ating gobyerno.
#BIDAlabansaDroga
#funrun
#abanteculion