Skip to main content

PAGBUO NG ASOSASYON SA MGA MANGINGISDA NG BINUDAC FISHERFOLK ASSOCIATION (BINFA) AT BFARMC MENTORING

Matagumpay na isinagawa ang aktibidades patungkol sa pagbuo ng bagong opisyales ng Binudac Fisherfolk Association (BINFA) at pagtalakay sa tungkulin ng BFARMC nito lang ika-17-18 ng Agusto taong kasalukuyan na ginanap sa Barangay Binudac. Pinangunahan ng ating abang lingkod Mayor V kasama ang ating Aquaculturist II Ryan Reyes, CFI-SEAPherd Project Consultant Noli Llavan, MFARMC Focal Regem Gigante, BFARMC Chairman Alfredo Ando, Barangay Kapitan Ma. Elena Calunia sa pagbuo ng nasabing asosasyon.
Layunin nitong palakasin ang karapatan ng ating pangisdaan at karagatang nasasakupan sa bayan ng Culion. Magkaroon ng pagkakakilanlan sa pag buo ng samahan at maendorso sa BFARMC bilang isang lehitimong samahan sa ating Lokal na Pamahalaan upang ang Lokal na Pamahalaan naman ay maglalabas ng ordinansa na kinikilala bilang isang lehitimong samahang mangingisda ng Binudac.
Upang mapalalim ang talakayan kaugnay sa pagkakaroon ng matibay na ugnayan para sa pagprotekta laban sa mga ilegalistang sumisira ng ating karagatan at mga dayuhang walang karampatang lisensya na pumapasok upang mangingisda sa bayan ng Culion.
#BINFA
#BFARMCMentoring
#abanteculion

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan