
PAGBUO NG MINICIPAL PEACE and ORDER and PUBLIC SAFETY PLAN (POPS PLAN) AT LOCAL ANTI-DRUG PLAN of ACTION (LADPA) PARA SA TAONG 2023-2025 ISINAGAWA
Naging matagumpay na ginanap ang Workshop for the Formulation of Municipal Peace and Order and Public Safety Plan at Anti-Drug Plan of Action Cy 2023-2025 (POPSP PLAN & LADPA) sa pangungunang Department of Interior and Local Government (DILG) Ms. April Grace Halili, At Municipal Planning and Development Council OIC Ms. Josephine Rabang noong Marso 7 hanggang Marso 9,2023.
Kasama ring nanguna ang Municipal Administrator Mr . Maxim Raymundo, PCPT Orland Tagaro, BFP, MDDRMO Officer Mr. Armando Lagrosa II, MSWD Officer Ms. Arlene Ballesca, MHNO Officer Dr. Jonamine Fadrilan, Hon. Marvie Ballesca, Bantay Dagat Mr. Ryan Reyes, CFI Ms. Dolina Tabla at Ms. Kay Apryl Collado, ADAC Focal. Kung saan tinalakay sa pagpupulong na ito ang mga estratehiya at pagsasagawa ng mga programang pang kapayapaan sa bayan ng Culion. Layunin nito na palakasin at palawakin pa ang ating mga programa na kung saan masusi rin itong pinggpaplanuhan upang matagunan ang pangangailagangan ng bawat sektor ginawa ng mga miyembro ng technical working group ng MADAC at MPOC, tungo sa mas maayos at ligtas na bayan.
Mananatili ang suporta at tulong ng ating butihing Mayor Virginia Nacachi De Vera na walang ibang hangad kundi ang kabutihan at kapakanan ng bawat mamamayan ng Culion. Magpapatuloy ang pagmamahal sa serbisyo at buong-pusong paglilingkod para sa lahat para sa patuloy na pag-Abante ng Culion.
#AbanteCulion
#IHEALCulion
#ProgramangMalasakit
#Peace&Order
#AntiDrug