Skip to main content

PAGHAHANDA PARA SA REHISTRASYON AT RENEWAL NG BUSINESS ONE STOP SHOP (BOSS) SA SUSUNOD NA TAON ILULUNSAD!

Nagkaroon ng pagpupulong patungkol sa ilulunsad na Business One Stop Shop o (BOSS) ito ay sisimulan mula Enero 3-20 unang buwan sa taong 2023. Bukas para sa lahat ng mga negosyante na mag parehistro at renewal ng business permit ito ay gaganapin sa Bayanihan Covered Court Bgy Balala mula alas 8:00AM hanggang alas 5:00PM ng hapon. Inatasan ni Mayor V ang ating Administrador Mr. Maxim F. Raymundo para buuhin ang BOSS kasama ang mga departamento ng MDRRMO, MAO, RHU, TOURISM, TREASURY, at Office of ADMINISTRATOR pati na rin ang ahensya ng BFP at PNP na naatasan sa pag asista para sa ikakaayos ng tamang proseso sa mga dokumento ng nasabing Business One Stop Shop.
Inaasahan ng ating abang lingkod Mayor V ang kooperasyon ng bawat negosyate na kumuha na ng business permit na aasahang hindi lalagpas sa binigay na takdang petsa para maiwasan ang anu mang multa. Tuloy-tuloy ang pag abante sa hangaring pagunlad ng ating kabuhayan para sa ating pamilya.
# 2023BusinessOneStopShop
#abanteculion
Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan