
PAGLUNSAD NG MALAWAKANG PAGLILINIS SA BAWAT BARANGAY NG CULION ISASAGAWA!
TINGNAN : PAGLUNSAD NG MALAWAKANG PAGLILINIS SA BAWAT BARANGAY NG CULION ISASAGAWA!
Ang dengue fever ay isa sa mga mapanganib na sakit na nagmumula sa Dengue Virus na dala ng babaeng lamok, mula sa kagat nito ay malilipat ang sakit na dengue sa tao.
Sa bisa ng Executive Order no.44 s. 2022 na nag lalayong paigtingin ang seguridad ng ating kalusugan at kaligtasan ng bawat mamamayan, sa pamamagitan ng sabayang paglilinis sa buong Culion na isasagawa tuwing araw ng Biyernes 8 hanggang 10 ng umaga.
Ang pamunuan ng Department of Health (DOH) ay muling nagpaalala sa publiko na maging maingat at mapanuri na puksain ang tumataas na kaso ng Dengue cases sa ating bansa. kinakailangang sanayin ang sinasabing 4S
1. Suyurin at sirain ang pinamumugaran ng lamok.
2.Sarili ay protektahan laban sa mga lamok.
3.Sumangguni agad kung may sintomas ng dengue.
4.Suportahan ang fogging/ spraying operation kapag may banta ng outbreak.
Sa pagpasok ng tag-ulan, ito ang panahon ng mga lamok upang magparami. Kailangan nating pigilan ang pagdami nito sa pamamagitan ng paglilinis sa ating komunidad para maibsan ang panganib na dala ng lamok. Sa bisa ng nasabing excutive order matagumpay na sinimulan ang unang araw ng paglilinis na pinangunahan ng lahat ng mga opisyales at kawani ng Barangay, Department Heads at empleyado ng bawat opisina, ang malawakang paglilinis ng kapaligiran.
Lubos ang pasasalamat ni Mayor V sa pakikiisa ng lahat sa naisagawang aktibidades na dinaluhan ng bawat Barangay, LGU employees, Government Agencies, ibat-ibang pribadong sektor upang tanggalin ang mga pinamumugaran ng lamok na sanhi ng Dengue.
Inuuna ni Mayor V ang kapakanan ng bawat mamamayan ng Culion, sama-sama nating sugpuin ang paglaganap ng sakit na ito, kung walang lamok walang dengue.
#4Skontradengue
#SabayangPaglilinis
#abanteculion