PAGPAPASINAYA AT PAGBASBAS NG COVERED COURT SA SITIO BERNABE

TINGNAN: PAGPAPASINAYA AT PAGBASBAS NG COVERED COURT SA SITIO. BERNABE SA ILALIM NG PROGRAMANG IMPRASTRAKTURA NI MAYOR NAISAKATUPARAN!
Matagumpay na naidaos ang pagpapasinaya at pagbasbas ng bagong Covered Court sa Sitio Bernabe Bgy, Osmena nito lang Nobyembre 11, 2022 na sinundan ng maikling seremonya na pinangunahan ng ating butihing Mayor. Ma. Virginia N. De Vera at kasama ang kanyang Sangguniang Bayan Members. Kasama din sa dumalo ang pamilya Lagrosa, Ereno at Gomez upang saksihan ang pormal na pagtanggap sa pagpapangalan ng Covered Court sa ating unang Mayor Hilarion “Laloy” Guia na pinamumunuan ng Punong Barangay Niel Pagao.
Sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Lokal at Barangay naitayo ang matatag at matibay na Covered Court dahil sa layunin ng programang malasakit ng ating abang lingkod na magsilbing inspirasyon sa ating mamamayan bilang parte ng ating pamumuhay. Lalong higit na magagamit ito sa mga aktibidades pang barangay, eskwelahan at sa Lokal na Pamahalaan at pagsibol ng mahuhusay na basketball player na magbibigay ng karangalan sa ating bayan.
Dahil sa pangakong binitawan ng ating butihing Mayor V lahat ay natupad at sasariwain sa puso’t isipan ng naniniwala at maniniwala sa programang may malasakit sa tuloy-tuloy na pag daloy nito at pag abante ng Culion.
#coveredcourtsitiobernabe
#hilarion”laloy”guia
#programangimprastraktura
#abanteculion

Our Trusted Supporters

Copyright © 2018. Municipality of Culion, Province of Palawan. All rights reserved.

Powered By:

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan