Pagpapatibay ng lugar na posibleng gumuho

“Iba’t-ibang mandato ng MDRRM Office”
(Pagpapatibay ng lugar na posibleng gumuho)
Isa sa mga mandato ng MDRRM Office ay magsagawa ng inspection na posibleng maging sanhi ng sakuna sa komunidad o kabahayan.
Sa kasalukuyan, Ang MDRRM Office sa ilalim ng Local na Pamahalaan ng bayan ng Culion sa pangunguna ng ating butihing Mayor Hon. Ma. Virginia N. De Vera ay nagsagawa ng “small-scale slope protection project” na sakop ng Brgy. Osmeña, Sitio San Jose at Sitio Pescadores.
Ito ay isinasagawa upang makaiwas sa maaring pagguho dulot ng bagyo o malakas na pag-ulan.
Nais rin po nating pasalamatan ang Municipal Engineering Office na ating naging katuwang sa pag implementa ng nasabing proyekto.
“Ibayong pag-iingat ang iminumungkahi sa ating mga kababayan. Anumang insidente o hindi kanais-nais na pangyayari sa inyong lugar ay maari po lamang ipagbigay-alam agad sa ating MUNICIPAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE”
MDRRM Hotline
0967-396-9828 (Globe)
0999-705-1595 (Smart)

Our Trusted Supporters

Copyright © 2018. Municipality of Culion, Province of Palawan. All rights reserved.

Powered By:

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan