
Pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa buong Munisipyo papunta sa General Community Quarantine (GCQ)
Kahapon, ika-9 ng umaga ay ipinatawag ng ating Mayor Ma. Virginia Nakachi De Vera ang lahat ng mga empleyado ng Lokal na Pamahalaan ng Culion para sa isang mahalagang oryentasyon sa pangunguna ng ating Municipal Administrator ginoong Maxim F. Raymundo upang isa-isahin sa mga kawani ang mga batayan na nakapaloob sa Executive Order no. 27 hinggil sa paglilipat mula sa ilalim ng pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa buong munisipyo papunta sa General Community Quarantine (GCQ) at pagpapaliwanag ng mga guidelines o gabay na nakasaad dito upang mas lalong maintindihan ng lahat at maging katuwang ng mga opisyal at kagawaran na makatulong sa pagpapakalat ng mga protocols sa mamamayan ng Culion.
Laging nating isaalang-alang na hindi dahil nasa ilalim ng pagpapatupad ng GCQ ang ating bayan ay magiging kampante at babalik sa normal ang lahat sapagkat ang Culion ay kasalukuyang napaliligiran ng mga munisipyo at mga probinsya na hanggang sa ngayon ay sumasailalim pa din sa umiiral na ECQ.
Hinihikayat ng Pamahalaan Lokal ng Culion ang buong sambayanan na mas maging maingat at mapagmatiyag sa mga taong walang pagkakakilanlan na malayang nakakapasok sa ating mga barangay. Samakatuwid, ang Culion ay maliligtas sa sakit na Corona Virus sa mga oras na ang bawat isa ay nagagampanan ang responisibilidad bilang isang may malasakit na mamamayan.