
Pagpupulong Patungkol sa Super Typhoon Yolanda Noong 2013 sa Nasabing Tatlong Barangay na Apektado
Nito lamang Pebrero 25, 2020 nakipag-usap si Mayor V, kasama ang ibang Punong Bayan mula sa mga karatig na Munisipyo ng Palawan kay Arch.Susan Nonato ng National Housing Authority (NHA), upang maipagbigay alam sa kinauukulan ang ibat-ibang isyu at balakid sa implementasyon ng Phase 1 ng Yolanda Housing Project na may Bilang na 708 sa 3 barangay kabilang ang Barangay Galoc, Barangay Binudac at Barangay Baldat, Kung saan ang pinaka pangunahingn naging problema ay ang napakabagal na implementasyon ng nasabing proyekto.
Muling hiniling ni Mayor V sa pamunuan ng National Housing Authority na agarang tugunan ang problemang ito upang maging maayos na ang relokasyon ng mga pamilyang naapektuhan ng Super typhoon Yolanda noong 2013 sa nasabing tatlong barangay.
Natalakay din sa pag-uusap kung paano maisasaayos at hindi na muling maantala ang pag papa abot ng tulong sa mga kababayan nating naapektuhan ng Bagyong Yolanda sa iba pang barangay dito sa ating bayan na may bilang na 1456 household mula sa Barangay Jardin, Culango, Libis, at Osmena.
Asahan natin sa mga susunod na araw na patuloy na makikipag-ugnayan si Mayor V sa pamunuan ng NHA at kay Pangulong Duterte, upang mabigyan ng agarang solusyon ang mga suliraning kinaharap ng proyektong ito.