Skip to main content

Pagpupulong Ukol sa Paghahanda ng ating Munisipyo at mga Estratihiya kung paano Labanan ang Kumakalat at Lumalalang COVID-19

Dahil sa banta ng COVID-19, ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer (PDRRMO) Jeremias Alili ay dumating sa bayan ng Culion upang mag-abot ng tulong mula sa Provincial Government ng Palawan.

Sa pagkakataong ito, ang PDRRMO at ang ating MDRRMO Armando Lagrosa II kasama ang Municipal Administrator Maxim F. Raymundo at ng iba pang departamento ay nagkaroon ng pagpupulong ukol sa paghahanda ng ating Munisipyo at mga estratihiya kung paano labanan ang kumakalat at lumalalang COVID-19. Nagsagawa din ng pag-iinspeksyon ng Holding Area ng MHO at ng One site Disembarkation Area at ng Checking Team sa dungguan. Sinadya din nila ang Culion Sanitarium and General Hospital (CSGH) at doon nakausap nila ang Medical Chief I na si Dr. Arturo Cunanan upang magtanong at mangalap ng impormasyon patungkol sa paghahanda ng Ospital sa paghawak ng mga kaso ng CoViD-19 at humingi ng update ng mga bilang ng mga PUI at PUM na kasalukuyang naka-confine sa ospital.

Ang PDDRMO ay nagbigay ng Personal Protective Equipment (PPGs) bilang paghahandang hakbang ng Probinsya ng Palawan laban sa Corona Virus Disease 19:
1. 20 pcs. N95 Masks
2. 10 pcs. Eye Protection Gear
3. 20 pcs. Isolation Gown
4. 20 pcs. Isolation Caps
5. 20 pcs. Sterile Gloves

Nais pasalamatan ni Mayor V ang Provincial Government dahil sa patuloy na pagtulong at pagtugon sa pangangailangan ng mga mamamayan ng bawat Munisipyo sa Palawan sa pangunguna ng ating butihing Governor Jose Chavez Alvarez laban sa nakakamatay na Corona Virus Disease (COVID-19) at maiwasan ang paglaganap nito.

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan