Skip to main content

PAGREREBISITA NG LOCAL REVENUE CODE NG BAYAN NG CULION

Nito lamang ika-28 ng Pebrero taong kasalukuyan ay sinimulan na ang pagrerebisita ng Local Revenue Code ng bayan ng Culion sa pangunguna ng ating mahal na Punong Bayan Ma. Virginia N. De Vera at Municipal Administrator Mr. Maxim F. Raymundo kasama ang mga Department Heads at mga Punong Barangay sa tulong at gabay nina Bb. Rowena Zapanta, Antipolo City Planning and Development Officer at si G. Ronald Barcena, Director of Social Housing Finance Corporation
Layunin ng aktibidad na ito na maitugma ang tama at naaangkop na pag pataw ng buwis sa mga pribadong at publikong mga indibidual , institusyon, aktibades, imprastraktura at iba pa sa local na pamahalaan ng Culion.
Dahil layunin ni Mayor V ang sustenableng pag-unlad ng kabuhayan, trabaho, kalusugan, inprastraktura, turismo at konsebasyon sa kalikasan
#AbanteCulion
#ProgramangMalasakit
#iHealCulion
#RevisionofRevenueCode

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan