Skip to main content

Pakbet at Iba pang Hybrid na butong pananim para sa mga kababayan nating magsasaka naipamahagi na!

TINGNAN: PAKBET AT IBA PANG HYBRID NA BUTONG PANANIM PARA SA MGA KABABAYAN NATING MAGSASAKA NAIPAMAHAGI NA!
Isinagawa ang pamamahagi ng sari-saring klaseng hybrid na butong pananim sa mga magsasaka natin sa bayan ng Culion nito lang ika-9 ng Pebrero taong kasalukuyan. Ang Municipal Agriculture Office sa pamumuno ng Punong Departamento Ginoong. Arnel H. Alcantara kasama ang kanyang mga tauhan na naging katuwang sa pag asista nito upang maiabot ng personal ang mga butong pananim sa nasabing pamamahagi.
Tinatayang nasa 40 na magsasaka ang nabahagian ng sari-saring klaseng hybrid na butong pananim na kinabibilangan ng Sitio. Kabel-Kabel, Upper Butnongan, Mampoc, Cabulihan, Dita Barangay, Malaking Patag at Sitio. Payatok Barangay, Binudac.
Prayoridad ng Programang Pang kabuhayan ni Mayor V na makapag simula muling sumigla at makita ang bagong punlang pananim ng ating mga magsasaka na magbibigay ng masaganang kita na makakatulong sa pangangailangan ng kani-kanilang pamilya. Tuloy-tuloy ang pag suply ng mga gulay sa buong bayan ng Culion na umaangkat ng produktong galing sa ating magsasaka gaya na lamang ng ating Palengke at maliliit na tindahan.
Isa ito sa sinusulong ng ating abang lingkod Mayor V na matulungan ang ating mga magsasaka na pinadapa ang kabuhayan sa nag daang bagyong Paeng sa ating bayan aabante ang hanap-buhay at kinabukasan sa hinaharap.
#hybridbutongpananim
#programangpangkabuhayan
#abanteculion
Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan