Pakibasa po ang PAGLILINAW NG COMELEC NG CULION TUNGKOL SA BOGUS at FAKE NEWS NA FB POST NI ART VENTURA!


Ginoong ART VENTURA, sana naman maghinay hinay ka sa mga FB POST MO. Huwag kang mapanglinlang para makapanira ng aming bayan! Payapa ang aming bayan ngunit sa mga gaya ninyong mapanira at iresponsableng pag gamit ng social media lalo na sa ganya ninyo. Inaasahan namin na kayo ang mamuno sa inyong grupo ng mas maging payapa at wasto ang pangangampanya at hindi kailangan gumawa ng di makatotohanang mga kwento na bubulabugin nyo ang aming bayan!

“Higit kanino paman, hangad namin ang isang mapayapang plebisito. Ang pagpo post sa social media ay dapat may kaakibat na responsibilidad. Hindi dapat nagdudulot ng takot, kaguluhan at kalituhan. Ang aming tanggapan ay bukas sa anumang pormal na reklamo upang mabigyan ng tama, nararapat at agarang aksyon.
(Paglilinaw: WALA PONG KATOTOHANAN ang SOCIAL MEDIA POST kung saan ang aming tanggapan ay isa sa nababatikos kaugnay ng sinasabing pagdating ng 3 speedboats sakay ang mga hindi kilalang indibidual na ang pakay ay saktan ang sinuman) Personal na nakipag ugnayan sa amin ang nakasakay dito na isang taong may mataas na reputasyon lalot higit pagdating sa paglilingkod sa simbahan. Isang malapit na kaibigan at dating napakahusay na lay minister ng Coron.
Ipanatag nyo ang inyong loob. Sa halip, manalangin tayo para sa kapayapaan at kapanatagan ng isip.
Sana hindi na maulit ito!
Ginagawa po namin ang trabaho namin.”

-Comelec Culion

Our Trusted Supporters

Copyright © 2018. Municipality of Culion, Province of Palawan. All rights reserved.

Powered By:

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan