
PANANDALIANG PAGSASARA NG KALSADA!
BASAHIN: PANANDALIANG PAGSASARA NG KALSADA!
Ipinapaalam ng lokal na pamahalaan ang pagsasara ng Tiza – San Jose Road upang bigyang daan ang pagkukumpuni ng kalsada sa nasabing lugar. Ito ay magsisimula ngayong darating na Huwebes, Hunyo 23 taong kasalukuyan. Ang lahat ng 3 at 4 wheels na sasakyan ay hindi maaaring dumaan dito.
Ang proyektong ito ay naglalayong maiayos ang mga sirang bahagi ng kalsada na puwedeng pagmulan ng aksidente sa ating mga motorista. Isa rin itong paghahanda para sa darating na tag-ulan na posibleng magdulot ng isang iba’t- ibang sakuna.
Muli, ang inyong pang-unawa ay aming lubos na hinihingi. Hintayin lamang ang aming abiso para sa muling pagbubukas nito.
#roadrehabilitation
#abanteculion