
PANGARAP NA SCHOOL BUS PARA SA MGA MAG-AARAL MULA SA MALALAYONG LUGAR, IPAMAMAHAGI!
TINGNAN: PANGARAP NA SCHOOL BUS PARA SA MGA MAG-AARAL MULA SA MALALAYONG LUGAR, IPAMAMAHAGI!
Sa pakikipag-ugnayan ni Mayor V sa pribadong sektor na Galoc Oil Company, nabiyayaan ang ating munisipyo ng dalawang Bus upang maisakatuparan ang pangunahing kakulangan ng sasakyang transportasyon para sa mga estudyante na walang masakyan papasok sa eskwelahan.
Ika-22 ng Hunyo, taong kasalukuyan nagpadala ng miyembro ang Interagencies Board ng Galoc Oil Company. Sa pangunguna ni Mayor V at ating Municipal Administrator, Maxim F. Raymundo inilatag ang panukala para sa kahilingang madagdagan pa ang bus at kaagad naman itong inaprobahan ng Interagencies Board dahil sa maganda at magaling na presentasyon. Ito ang magiging tugon sa kakulangan ng sasakyang transportasyon. Kaya’t, ibibigay ang serbisyong sasakyan para sa barangay na malayo ang eskwelahan na pinapasukan. Pinapaabot ni Mayor V na ang proyektong sasakyan na magsisilbing school bus upang magdala ng pag-asa na pataasin pa ang kalidad ng edukasyon ng mga mag-aaral.
Hinding-hindi mapapagod si Mayor V na maghanap ng mga partners na puwedeng lapitan ng tulong para sa ating mga kabataan at sa ika-uunlad ng ating bayan.
#sasakyanparasaestudyante
#GalocOilCompany
#sulongedukasyon
#abanteculion