Skip to main content

PARA SA MGA NGANGANAK SA OSPITAL

Dahil sa maraming kaso na ang pagkuha ng Birth Certificate ng mga batang ipinanganak sa Ospital ay inaasikaso lamang kung ang bata ay nagkasakit, bibinyagan, iluluwas ng maynila o mag-aaral na, minabuti ng tanggapan na manawagan lalo na sa mga batang ipinanganak na hindi kasal ang mga magulang.
📌Sa mga nanganak sa hospital, lalo at hindi kasal, kinakailangan nyo pong makipag ugnayan sa Tanggapan upang marehistro sa takdang oras ang inyong mga batang isinilang.
📌 Ang nanay ng mga batang isinilang ng hindi kasal ay may pinipirmahang Affidavit To Use the Surname of the Fatherupang madala ng inyong mga anak ang apelyido ng kanilang tatay.
📌 Makipag ugnayan lamang po sa page na ito para malaman kung ang inyong mga isinalang na bata ay REHISTRADO NA❗️
Ito ay isang panawagan para sa mga taga CORON, BUSUANGA, LINAPACAN at mga TAGA CULION.
Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan