Skip to main content

PILOT FACE-TO-FACE CLASSES IN CULION ELEMENTARY SCHOOL, SUPORTADO NG LGU!

Alinsunod sa DepED-DOH JMC No.01 s.2021, ay napabilang ang paaralan ng CES sa mahigit 200 pampublikong paaralan na mag i-implementa ng pilot limited face-to-face classes kung sakaling makakapasa sa validation na nakatakdang ganapin sa buwan ng Pebrero. Ang nasabing validation ang mag dedetermina at magiging hudyat na maari nang magkaroon ng limited F2F classes sa iba pang paaralan sa ating Bayan.
Sinigurado ni Mayor V na matutukan ng maayos ang nasabing preparasyon, nang sa gayon, handa at masigurong ligtas ang mga kabataang papasok, gayundin ang mga guro kapag naisakatuparan na ito sa New Normal na set-up nang mga paaralan.
Matapos aprubahan ni Mayor V ang SB Resolution na sumusuporta sa nasabing layunin ay agad na nagkaloob ng suporta ang Lokal na Pamahalaan ng Culion kagaya ng mga sumusunod:
• Additional Hand washing facility (10 faucet)
• Nagpa lagay ng dagdag na mga pintuan upang mas maging ligtas at maaliwalas ang silid –aralan.
• MRF or materials recovery facility at nag pa gawa ng Compost pit upang mapanatili ang kalinisan
• nag pa-imprenta ng mga tarpaulin at signage ng emergency directories
• nagbahagi ng PPE’s para sa ating mga mahal na guro.
Nais din masiguro ni Mayor V na mayroong malinaw na proseso ang bawat paaralan, pag dating sa referral system kung sakaling magkaroon ng Covid-19 cases sa paaralan, epektibong contact tracing,at Contingency plan kung sakaling tumaas at magkoon ng paglobo ng kaso sa komunidad.
Sinigurado din ni Mayor V na sapat ang kaalaman ng School DRRM sa pamamagitan ng simulation drill na nakatakdang pangunahan ng MDRRMO patungkol sa mga health protocols at masigurong epektibo ang implementasyon ng School’s Health and Safety Protocols kapag nag-umpisa na ang limited face-to-face classes sa ating bayan.
Asahan ninyong patuloy na magiging positibo ang ating pananaw, sa kabila ng nangayayring pandemya, patuloy na naka agapay ang Lokal na pamahalaan upang masigurong Ligtas ang estudyanteng Taga-Culion.
#Sulong Edukasyon, Abante Culion.
Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan