Pinapaalalahanan ang Lahat na Iwasan ang Pumarada sa Gitna ng Kalsada

Pabatid!
Base sa direktiba ng ating Punong Bayan at Chairperson ng Task Force Kalsada, Hon Ma. Virginia N. De Vera, muli po nating pinapaalalahanan ang lahat na iwasan ang pumarada sa gitna ng kalsada na nagiging dahilan ng road obstruction. Nagsisimula na po ulit ang road clearing upang mapanatiling ligtas ang ating mga kalsada (primary roads) sa anumang uri ng sagabal na maaaring maging dahilan ng disgrasya.
Maliban sa mga sasakyang ilegal na nakaparada sa kalsada o sa gilid ng kalsada ang mga lamesa, trapal, upuan ng mga establisyemento ay maaari ring kumpiskahin ng Task Force Kalsada kung ito ay nagiging sanhi ng pagsikip ng mga daan.
Nais nating pasalamatan ang pamumuan ng Culion MPS na siyang nangunguna sa pagsasagawa ng ganitong operasyon. Gayundin sa Treasurer’s Office at lalo’t higit sa ating mga kababayan na patuloy ang kooperasyon upang mapanatiling ligtas ang ating mga kalsada!
“Ibayong pag-iingat ang iminumungkahi sa ating mga kababayan. Anumang insidente o hindi kanais-nais na pangyayari sa inyong lugar ay maari po lamang ipagbigay-alam agad sa ating MUNICIPAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE”
MDRRM Hotline
0967-396-9828 (Globe)
0999-705-1595 (Smart)

Our Trusted Supporters

Copyright © 2018. Municipality of Culion, Province of Palawan. All rights reserved.

Powered By:

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan