Skip to main content

Planong may Patutunguhan para sa Bayan

Alinsunod sa DILG Memorandum Circular Nos. 2008-156 at 2010-112 na gabay sa paghahanda ng Comprehensive Development Plan (CDP) at alinsunod sa Sections 20, 447, 458 at 486 ng RA 7160 o Local Government Code ay pinasimulan ni Mayor V ang CDP at CLUP o Comprehensive Land Use Plan para sa wastong paggamit ng mga lupain ng ating bayan.

Taong 2016 nasimulan ang inisyal na pagpaplano para sa CLUP at CDP sa kautusan ni Mayor V upang magkaroon ng pagkakakilanlan ang bayan ng Culion.
Sa kasalukuyan patuloy ang pagsasagawa ng plano para sa CLUP at CDP ng mga kagawaran ng Lokal na Pamahalan ng ating bayan at nalalapit na tayo sa sukdulan ng pagiging ganap na plano nito.

Inatasan ng ating Punong bayan Hon. Ma.Virginia De Vera ang Municipal Administrator Maxim F. Raymundo upang mamuno sa nasabing finalization ng CDP at CLUP kasama ang Municipal Planning Team, Engr.Christie Fructouso, Dr. Israel H. Zantua, Armando G. Lagrosa, Arnel H. Alcantara, Oliver A. Juan, Alejandrino Abrina Jr., Engr. Philbert Mark B. Isabelo, Maria Mirasol U. Pastrano, Arlene I. Ballesca, Ma.Edda G. Dimanalata, mga Barangay officials, CSOs, NGOs, NGAs at iba pa.

Inaasahang matatapos ang CDP at CLUP ng Munisipyo ng Culion ngayong taong 2020 at malaki ang maitutulong nito para sa ating bayan, dahil ang layunin ng mga planong ito ang makapagbigay ng gabay sa pagpapaunlad ng mga lupain sa isang komunidad upang magamit sa pag-gawa ng tirahan at lugar para sa trabaho ng mga tao.

Sa pangunguna ni Mayor V at sa pakikipagtulungan ng Municipal Planning Team ay nalulugod po kaming sabihin sa inyo na sa nalalapit na pagtatapos ng ating pagpapaplano ng CDP-CLUP ay masisimulan natin ang mas maayos na bukas para sa ating bayan.

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan