Skip to main content

PNP OUTPOST SA BARANGAY LIBIS, NAITAYO NA!

TINGNAN: PNP OUTPOST SA BARANGAY LIBIS, NAITAYO NA!
Sa inisyatibo ng ating lokal na pamahalaan, mabilisang naitayo ang outpost ng pulisya sa Barangay Libis, na kung saan mas nakikita ni Mayor V na strategic ang lokasyon para lalong mapanatili ang kaayusan at katahimikan at para sa agarang pagtugon sa pangangailangang seguridad ng ating mga kababayan. Sa pagdadagdag nito, mapapabilis ang pagresponde sa mga krimen o kaguluhan sa isang lugar.
Ngayong araw, sa pangunguna ni Mayor V kasama ang ating mga Sangguniang Bayan Members ginanap ang Turn-over ceremony upang pormal nang maibigay sa ating kapulisan ang pangangalaga sa nasabing istasyon at kanilang magamit sa pagserbisyo sa ating mga kababayan.
Isa sa mithiin ni Mayor V ang tahimik na pamayanan para sa ating lahat. Ang pagprotekta sa mga mamamayan ay isang mabigat na tungkulin, mahalaga na madama ng ating nasasakupan ang kalinga na mula sa isang Inang Bayan upang sa pamamagitan nito ramdam nila na sila ay laging ligtas, si Mayor V ay kabalikat natin sa pagpapanatili ng kaayusan sa ating Bayan.
#CulionPNPoutpost
#AbanteCulion

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan