Skip to main content

PRD PROCLAMATION NO. 1008: Pag-alala at Pagpupugay kay Padre Javier M. Olazabal

Noong ika-2 ng Setyembre taong kasalukuyan idineklara ng ating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Proclamation No. 1008, na ang araw ng huwebes ika-10 ng Setyembre 2020 bilang isang “special (non-working) holiday” para sa bayan ng Culion. Ito ay ang pag-alala sa araw ng kamatayan ni Padre Javier M. Olazabal.

Si Padre Javier M. Olazabal SJ., o mas kilala bilang Fr. Ola sa Isla ng Culion at Pareng Heswita (Society of Jesus) ay nag silbi ng mahigit labing walong taon sa mga pasyente ng Culion Leper Colony noon. Malaki ang naging ambag at naitulong ni Fr. Ola sa bayang ito. Dahil sa kanyang mga ginawa sa pamamagitan ng pagkakaloob ng mga bagay/materyal sa ating mga naunang kapus-palad dito sa Culion kasama ang kanilang pamilya at sa kanyang paghubog sa buhay espiritwal ng mga tao, ito ang siyang namana natin hanggang sa kasalukuyang sitwasyon ng bayang ito. Nawa’y ang lahat ng mga mabubuting nagawa ni Fr. Ola noon ay magsilbing inspirasyon ngayon sa panahon ng pandemya. Sa pagkakataong ito, lahat ng hirap na dinaranas natin ay madaling malalagpasan sa pamamagitan ng pagkakaisa, pag tutulungan at pananampalataya sa Diyos.

Kaya’t ang pag-gunita at mga seremonya sa araw na iyon ay paraan ng pasasalamat at pag-alala sa kanyang dakilang kontribusyon sa bayan ng Culion.

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan