Skip to main content

PROGRAMANG KALUSUGAN para sa mga JOB ORDER Employee at BHW’s sa Bayan ng CULION sagot ni MAYOR V

TIGNAN: PROGRAMANG KALUSUGAN para sa mga JOB ORDER Employee at BHW’s sa Bayan ng CULION sagot ni MAYOR V!
Ninanais ng ating Mahal na Mayor V na patuloy ang pagpapamiyembro sa PhilHealth ang lahat ng BHW Barangay Health Workers at job order/contract of service na kawani sa pamamagitan ng group enrolment program.
Nilaanan ng ating Punong Bayan ng kaukulang pondo ang pagpapamyembro para sa ating mga kasamahan sa gobyerno at ang pagbabayad ng kanilang monthly contribution ay magiging libre at sagot ng pamahalaang lokal.
Tayo po ay makakapagpamiembro ng 89 (Walumput-Siyam) na indibidual ngayong taon ng 2023.
Taos puso po ang aming pasasalamat sa mga kawani ng PhilHealth, sa ating minamahal na Punong Bayan Hon. Ma. Virginia N. De Vera, Administrator Mr. Maxim F. Raymundo, sa ating maagap na mga Doctor Dr. Jonamine D. Fadrilan, Dr. Pamela P. Daniel, na laging inuuna ang kapakanan ng kalusugan ng mamamayan ng Culion.
#AbanteKalusugan
#AbanteCulion
#PhilipineHealthInsurance
Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan