Skip to main content

Programang Malasakit: Baldat Water tank

Isa ang Baldat Elementary School sa mga paaralan sa Culion na may kakulangan sa mga pasilidad. Kaya naman, ang mga guro sa paaralan ay lumapit sa tanggapan ng ating mahal na Mayor V upang humiling ng water tank para sa handwashing facility na patuloy nilang ipinagagawa.
Sa utos ni Mayor V ay madaling kumilos ang Malasakit Team upang ihatid ang kanilang hiling na water tank na siya namang naghatid ng surpresa sa mga guro dahil ito’y mabilis na naisakatuparan. Lubos ang kanilang ipinaramdam na pasasalamat sa Malasakit Team at kay Mayor V sa mabilis na pagkakaloob ng kanilang request na siyang nagbibigay inspirasyon kay Mayor V para tumulong sa ating mga paaralan.
Patuloy si Mayor V at ang Programang Malasakit sa paghahatid ng ligaya’t saya sa ating mga kababayan na lubos na nangangailangan.

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan