Skip to main content

PROGRAMANG MALASAKIT HEALTH BULLETIN #9

BASAHIN: PAMILYANG PLANADO, PROTEKTADO!
Ikaw ba ay nagnanais gumamit ng modernong paraan ng pagpapaplano ng pamilya (Modern Family Planning Methods)?
Kahit anong choice mo mapa-modernong natural, pansamantala,pangmatagalan,o permanenteng pamamaraan man yan, maibibigay yan sayo ng libre.
#UsapTayoSaFamilyPlanning
#EmpoweringFilipinoFamiliesandCommunities
CTTO:
CPD
Healthy Pilipinas
______________________________________________
Mga serbisyong inooffer ng MHNO para sa Pagpaplano ng Pamilya (Family Planning Services)
– Basic na edukasyon, kaalaman at pagpaplano ng pamilya
– Pagbibigay at pagreseta ng angkop napamamaraan ng pagpaplano ng pamilya (family planning commodities)
– Pagbibigay ng tamang impormasyon sa iba’t-ibang pamamaraan ng pagpaplano ng pamilya (natural, tradisyonal artipisyal o modern man ang mga ito)
– Kaukulang atensiyong medikal kung magkakaroon ng problema sa paggamit ng kahit anumang pamamaraan ng pagpaplano ng pamilya
Schedule ng Serbisyo:
Balala RHU
– Mula Lunes hanggang Biyernes
8:00am – 5:00pm
– Kasabay ng Family Planning Counseling
Malaking Patag BHS
– Araw ng Miyerkules kasabay ng regular na konsultasyon 8:00am – 2:00pm
Barangay Health Station
– Kasabay ng buwanang pagdalaw ng Midwife sa kanilang nasasakupang lugar
Makipag-ugnayan sa Culion Municipal Health and Nutrition Office para sa karagdagang impormasyon.
Abante Culion!
______________________________________________
Emergency Hotline: (0977) 412 9916
Email address: [email protected]
Facebook official account: https://www.facebook.com/CulionMHNO

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan