Skip to main content

PROGRAMANG MALASAKIT LATEST UPDATES: HULING ARAW NG KASALANG BAYAN 2022 GINANAP SA SITIO CANIMANGO, BARANGAY GALOC!

Sa huling araw ng Karasalan sa Banua 2022 (Kasalang Bayan) kung saan ginanap sa Sitio Canimango, Barangay Galoc (Cluster 5) araw ng Lunes, ika-28 ng Pebrero 2022, ito ang huling bahagi ng nasabing aktibidad ng lokal napamahalaan para sa ating mga kababayan ng nasabing Sitio kung saan mayroon 47 na pareha ang nag isang dibdib.
Ang kasalang Bayan ay handog ng Administrasyon ni Mayor V ng Programang Malasakit sa ating mga kababayang nais tanggapin ang sakramento ng kasal upang mapag tibay ang pagsasama. Naniniwala si Mayor V ang kasal ang isa sa pondasyon ng bawat pamilya upang maging buo at daan tungo sa pag pag-unlad ng isang matibay na sambayanan.
Ito ay libreng ibinibigay sa lahat ng residente ng mamamayan ng Culion sa mga nais mag pakasal na nagsasama sa mahabang panahon. Ito’y tumutugon sa pangangailangan upang maging legal. Ang pagpapakasal ay libreng ipinagkakaloob ng pamahalaan na pinagungunahan ng Municipal Civil Registrar sa pagsasaayos ng mga dokumento, libre ang lahat ng dokumento, sa paglilihitimo ng mga anak, libreng singsing, make-up, pagkain, souvenir shirt, venue at regalo.
Nais ipaabot ng Punong Bayan ang pasasalamat sa lahat na naging bahagi ng aktibidad sa paglalaan ng oras at panahon upang maidaos ng matagumpay ang Kasalang Bayan 2022.
Sa huli ang tanging dalangin sa lahat ng mag asawa na pahalagahan ang pamilya at itaguyod ano mang hamon ang haharapin sa buhay ng may pag mamahal at malasakit sa isat-isa.
#ProgramangMalasakit
#KasalangBayan2022
#TatakMayorV
#AbanteCulion
Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan