Skip to main content

Programang Malasakit: Lola Anacorita & Chindonan Pathway

Muling nagtungo ang Malasakit team sa Sitio Chindonan upang bisitahin ang dating abot tuhod na daanan na siyang dinadaanan ng mga residente dito na ngayon ay malapit nang matapos na pathway at si Lola Anacorita.
Ang dating tahanan ni Lola Anacorita ay nadatnan ni Mayor V na malapit na matumba noon dahil sa tagal ng panahon na itoy nagawa. Dahil sa laki ng puso at malasakit ni Mayor V sa ating mga lolo at lola ay ipinagpatayo niya ito ng bago at ligtas na tahanan na kasalukuyang tinutuluyan ngayon ni lola Anacorita.
Lubos na nagagalak at nagpapasalamat si Lola sa biyayang kanyang natanggap at sa pathway na ating ipinapagawa. Ang Programang Malasakit ay patuloy na tutulong sa ating mga kababayang nangangailangan ng kalinga at pag-asa upang sama-sama tayong magtatagumpay sa pag-abante ng Culion.

Link Here: https://www.facebook.com/ProgramangMalasakitniMayorV/videos/a.219308103603278/1973047172871952

 

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan