
PROGRAMANG MALASAKIT NA BAHAY TULUYAN PARA SA ATING MGA KABABAYAN, HINAHANDA NA!
TINGNAN: PROGRAMANG MALASAKIT NA BAHAY TULUYAN PARA SA ATING MGA KABABAYAN, HINAHANDA NA!
Ngayong araw, sa direktiba ng ating mahal na punong bayan Mayor V, isinigawa ang inspeksyon sa gagawin “Bahay tuluyan” sa Barangay Culango. Sa pangunguna ng ating Municipal Administrator, Maxim F. Raymundo kanilang siniguro na maayos at ligtas ang lugar na ito. Tuloy-tuloy ang pagsasaayos at pagpapaganda ng “Bahay Tuluyan” upang komportable itong matuluyan ng ating mga kababayan.
Ito ay isa sa programa ni Mayor V para sa ating mga kababayang nagpapagamot sa ospital na walang matuluyan sa poblasyon habang nagpapagaling ang kanilang kaanak. Ito ay malaking kaluwagan sapagkat mababawasan ang gastusin at mapapagaan ang kanilang pananatili dito sa bayan. Ang programang malasakit ni Mayor V ay nakaalalay upang mapadali, mapabuti at mapagaan ang buhay ng ating mga kapus na kababayan.
August 15, 2022 pormal na bubuksan ng ating lokal na pamahalaan sa publiko ang “Bahay Tuluyan” upang makapagbigay ng serbisyo para sa ating mamamayan. Ang ipinangakong mapalawak ang bahay tuluyan ay isinisakaturapan na ni Mayor V.
#BahayTuluyan
#ProgramangMalasakit
#workingmayorV
#AbanteCulion