Skip to main content

PROGRAMANG MALASAKIT NA KULAMBO PARA SA MGA LIBLIB NA SITIOS, IPINAMAHAGI!

TINGNAN: PROGRAMANG MALASAKIT NA KULAMBO PARA SA MGA LIBLIB NA SITIOS, IPINAMAHAGI!
Ngayong araw, sa ilalim ng Programang Malasakit ipinaabot ni Mayor V sa bawat pamilya ng sitio Calatan at sitio Coring ang 1 set ng kulambo. Ang paggamit nito ay mahalaga sa mga liblib na lugar upang maiwasan ang mga nakamamatay na sakit dulot ng mga insekto, tulad ng kagat ng lamok na nagdudulot ng dengue at malaria.
Prayoridad ng Programang Malasakit na matutukan ang kaligtasan ng mga mamamayan lalo na ang mga malalayong lugar na mahirap maabot. Sa pagsisikap ni Mayor V, tayong lahat ay laging ligtas at protektado sa banta ng mga sakit na maaring tumapos ng buhay.
Lubos ang pasasalamat ni Mayor V sa pamunuan ng Department of Health Region IV-B sa pamamagitan ni Mr. Rommel Howard R. Iway, na naging tulay upang mapagkalooban ang ating munisipyo ng mga kulambo para sa ating mga kababayan.
#ProteksyongKulambo
#ProgramangMalasakit
#Abanteculion

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan