Skip to main content

PROGRAMANG MALASAKIT NA PAGKAKALOOB NG BANGKA SA IP COMMUNITY SA MATALBONG

TINGNAN: PROGRAMANG MALASAKIT NA PAGKAKALOOB NG BANGKA SA IP COMMUNITY SA MATALBONG, NAISAKATUPARAN SA TULONG NG CULION FOUNDATION INC.
Sa pakikipag-ugnayan ni Mayor V sa Culion Foundation Incorporated, Fish Right at Palawan Council and Sustainable Development . Isa sa sinusulong ng LGU at CFI ay mapalago ang bakhawan upang lalong maproteksyonan ang yamang dagat na pinagkukunan ng pagkain at kabuhayan ng ating mga katutubong komunidad. Ito ay pang matagalang mapapakinabangan ng bawat isa kaya tinugunan ng Culion Foundation Incorporated ang kahilingan magkaroon ng isang bangka na magagamit sa pang araw-araw na panghuhuli ng lamang dagat.
Ika-23 Hunyo, taong kasalukuyan ibinigay sa mga kapatid nating katutubong (IP’s) ang nasabing kagamitan, Sa tulong ng Culion Foundation Incorporated naglaan ng oras at panahon ang pamamahagi ng bangka na siyang pangunahing ginagamit sa pangingisda. Sa pagkakaroon nito ay isang karagdagang panghanapbuhay para sa kani-kanilang pamilya. Mahigit pitong pamilya ang makikinabang sa handog na tulong ng CFI. Kaugnay nito, ibinigay ang ayudang lambat para sa mangingisda nating katutubo at pangakong biik para sa mga nanay na papakinabangan at magbibigay kita para sa kanila sa ilalim ng Programang Malasakit ni Mayor V.
Isang pasasalamat para sa malaking biyayang tulong mula sa partner ng Culion Foundation Incorporated, Fish Right, PCSD at ni Mayor V na naging daan upang mabigyan ng katuparan ang proyektong ito.
#culionfoundationIncorporated
#bangkaparasakatutubo
#abanteculion.
#pscd
#fishright

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan