
PROGRAMANG MALASAKIT PAILAW SA KOMUNIDAD HATID NI MAYOR V SA IP COMMUNITY – ANG SITIO BERG
Nagtungo sa Sitio Berg, Barangay Binudac nito lamang Biyernes (March 10, 2023) si Mayor Virginia N. De Vera at ang Team Malasakit upang ibahagi ang mobile solar light system sa ating mga kababayang nakatira sa Sitio Berg. Kung saan maligaya nilang tinanggap ang mga light system na ito.
Patuloy ang paghahatid ni Mayor V ng mga programang pangtahanan at pangkomunidad sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng Programang Malasakit. Layunin nito na maiangat ang antas ng buhay ng mga komunidad na siyang higit na nangangailangan lalong lalo na ang mga kapatid nating tagbanua na siyang inspirasyon ni Mayor V at siyang ugat kung bakit nabuo ang Programang Malasakit sa mga laylayang komunidad Program.
Asahan po natin na magpapatuloy ang Programang Pailaw sa tahanan sa ilalim ng Programang Malasakit dahil nais ni Mayor V na patuloy ang pag-Abante ng bawat komunidad ng Culion.
#AbanteCulion
#IHEALCulion
#ProgramangMalasakit
#ProgramangPailawsaTahanan