
PROGRAMANG MALASAKIT PARA SA MAGSASAKA KATUWANG ANG DEPARTMENT OF AGRICULTURE, MULING SINIMULAN!
TINGNAN: PROGRAMANG MALASAKIT PARA SA MAGSASAKA KATUWANG ANG DEPARTMENT OF AGRICULTURE, MULING SINIMULAN!
Sa pakikipag-ugnayan ni Mayor V sa ahensya ng Department of Agriculture ay naipamahagi ang Palay Seeds para sa mga magsasaka sa ating Bayan. Ngayong araw, Hunyo 23 taong kasalukuyan ginanap sa Balala Covered Court ang pamamahagi nito na dinaluhan ng isang daang benepisyaryo. Matagumpay na naibigay ang ayudang binhi ng palay para sa masisipag nating magsasaka.
Ang sektor ng pagsasaka ay may suliranin sa pagkakaroon ng magandang punla upang pataasin ang naaaning palay. Tinugunan ng ahensya ang programa para maibsan ang mababang porsyento na nakukuhang palay sa loob ng ilang buwan at taon. Sa pagpupursigi ni Mayor V naisakatuparan ang magandang layunin na mabigyang pansin ang ating magsasakang nasa laylayan. Mabigyan ng sapat na ani upang lalong lumaki ang kita na para sa kanilang pamilya. Mahalaga ang papel ng sektor ng agrikultura sa mabilis na pag-unlad at sa seguridad ng pagkain (Food Security) sa ating Bayan.
#sulongagrikultura
#binhiparasamagsasaka
#abanteculion