
PROGRAMANG MALASAKIT PARA SA MGA ANGHEL NG TAHANAN
Sa ilalim ng Programang Malasakit ni Mayor V., mayroong 46 packs na naglalaman ng gatas at diaper ang naipamahagi sa piling residente ng Sitio Alava, Barangay Binudac nito lamang ika-22 ng Pebrero taong kasalukuyan.
Layunin ng programang ito ang maalalayan at matulongan ang mga magulang upang mabawasan ang kanilang alalahanin sa pamamagitan ng pamamahagi ng ilan sa mga pangunahing pangangailangan ng kanilang mga anak. Bahagi ito ng programa ng Supplemental Feeding na naisasakatuparan sa pamamagitan ng pondo ng LCPC (Local Council for the Protection of Children) at GAD (Gender and Development).
#ProgramangMalasakit
#TatakMayorV
#AbanteCulion