
PROGRAMANG MALASAKIT PARA SA PWDs
Sa pakikipag-ugnayan ni Mayor V sa Provincial Government ng Palawan ang ating mga PWD’s ay makakatanggap ng kanilang buwanang Local Social Pension na nagkakahalaga ng Five Hundred Pesos (Php 500.00) sa bawat taong may kapansanan sa bayan ng Culion. Ang Lokal na Pamahalan ng Culion ay nagsumite ng listahan ng Eighty-six (86) na benepisaryo sa Provincial PDAO nakaraang taon ika-2 ng Oktubre taong 2019 at ang Provincial Government ay pumili lamang ng 50 na benepisaryo na mapagkakalooban ng Local Social Pension, dahil dito ang ating Munisipyo ay patuloy na magsusumite ng listahan upang maisama ang lahat ng mga PWDs.
Kaya nito lamang Pebrero 3-6 ang Provincial Social Welfare and Development Office ay namigay ng Local Social Pension sa mga PWD’s. Ang Payout ay agarang sinimulan sa pagdating ng Focal Person Ms. Amie R. Dolor ng PSWDO noong Pebrero 4, 2020. Ang pamimigay ay nangyari sa Barangay Balala, Covered Court simula 8:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon. Sa kabila ng walang kakayahang makapunta ang iba nating PWDs sa nasabing lugar sa unang araw ng payout ay napagkasunduan ng PSWDO at sa pakikipagtulungan ng PDAO Agustin Contreras at ng PDAO Focal Person Jinky B. Cabalquinto at ng mga staff ng PDAO Focal at MSDW na magsagawa na lamang ng pamimigay sa kanilang mga tahanan sa loob at labas ng poblasyon para ma-iabot sa kanilang mga kamay ng personal ang inaasahang tulong mula sa ating Gobyerno.