
PROGRAMANG MALASAKIT SA EDUKASYON: CFI NAMAHAGI NG SCHOOL SUPPLIES KATUWANG NG LOKAL NA PAMAHALAAN!
Dahil sa pina-igting na ugnayan sa mga NGOs sa pangunguna ng ating masipag na Mayor Ma. Virginia N. De Vera at mga SB Members.
Namahagi ng school supplies ang Culion Foundation Inc. sa mga pampublikong paaralan sa mga mag aaral mula sa Grade 5 at Grade 6. Ang mga nasabing estudyante ay nag mula sa Baldat Elementary School, Malaking Patag Elementary School, Cabulihan Elementary School at Lumber Camp Elementary School. Sa kabuohan mayroong 160 mag-aaral ang nakatanggap ng nasabing school supplies na malaking kabawasan sa gastusin ng mga magulang at higit na makakatulong sa mga bata lalo na ngayong modular distance learning set-up.
Isang taos pusong pasasalamat sa CFI sa patuloy na pag suporta sa mga programa ng lokal na pamahalaan. Patuloy ang pakikipag ugnayan ng ating punong bayan sa ibat-ibang ahensya at NGOs upang maging kabalikat sa pag abante ng ating bayan.
#NGOspartnership
#salamatCFI
#AbanteCulion!