
PROGRAMANG MALASAKIT SA EDUKASYON: PAG I-IMPRINTA NG MODULES SA LAHAT NG PAMPUBLIKONG PAARALAN SA CULION SAGOT NA NG LOKAL NA PAMAHALAAN
Mula sa inisyatibo ng ating masipag na Mayor, Hon. Ma. Virginia Nakachi De Vera at batay na rin sa mga pangangailangan ng mga guro at mga estudyante para sa new normal set-up ng pag-aaral at implementasyon ng “Modular Distance Learning delivery modality”.
Ang lokal na pamahalaan ay bumili ng 2 risograph machines at nag assign ng staff mula sa munisipyo na siyang mag iimprinta, at ngayong araw, masaya naming ibinabalita na Up and Running na ang ating risograph machines, at simula sa Lunes, September 28, taong kasalukuyan ay magsisimula na po tayo sa pag imprenta ng mga nasabing modules.
Makipag ugnayan lamang po sa Executive Assistant V Office para sa mga detalye at ibang impormasyon.
Ang ating pamahalaan ay kasangga ng mga mag-aaral upang abutin ang kanilang mga pangarap at ating pakatatandaan, na ang wastong edukasyon ay pahalagahan, ito ay susi sa kinabukasan.