
PROGRAMANG MALASAKIT SA IMPRASTRAKTURA: DR. CASIMIRO B. LARA PARK ISINAAYOS AT MULING BINUHAY ANG GANDA NITO!
Araw ng Biyernes (Enero 15, 2021) naganap ang inagurasyon ng Dr. Casimiro B. Lara Park sa Barangay Balala kung saan pinasinayaan ang pag bubukas sa publiko ng nasabing parke sa pangunguna ng ating Mahal na Mayor Ma. Virginia Nakachi De Vera kasama sina Mr. Maxim F. Raymundo, Municipal Administrator Mr. Jubelle D. Cabatingan, Municipal tourism, Sangguniang Bayan Members na sina SB Sarmiento, SB Dayandante, SB Cunanan, SB Solas, ABC President Nacachi at mga kawani ng gobyerno.Itinayo ang nasabing parke bilang pagkilala kay Dr. Casimiro B. Lara (March 4, 1896- December 27, 1981) sa kanyang mga naging kontribusyon sa bayan ng Culion sa larangan ng medisina at pag tataya ng sarili sa higit na nangangailangan. Si Dr. Lara ay pinanganak sa Masingal, Ilococ Sur, siya’y itinalaga bilang Supervising Physician, Culion Leper Colony taong 1922, naitaas sa pwesto bilang Chief Physician taong 1924 at tumayo bilang Chief Colony sa taong 1947 hanggang sa siya ay mag retiro sa gobyerno taong 1962, ngunit nag patuloy sa pag aaral at pag tuklas ng lunas sa nasabing sakit hanggang sa siya’y bawian ng buhay taong 1981.
Sa mga nakalipas na taon ng simula itong itayo ang parke bilang pasyalan at kung saan tila napabayaan at di nabigyan importansya. Ngunit sa Administrasyon ni Mayor V kanyang isinama sa programang malasakit sa imprastraktura na ang pondo ay mula sa 20% Development ng Lokal na Pamahalaan upang maisaayos ang rehabilitasyon ng nasabing parke at maibalik ang dati nitong sigla. At bilang karagdagan sa mga pampublikong lugar na malinis, maayos at maaring pasyalan ng bawat pamilya, mga senior citizen at kabataan.
Ika nga sa mensahe ni Mayor V “Patunay ito na ang pagmamahal sa Culion ay hindi namimili kung ikaw man ay di-tubong Culion, mas higit na mahalaga ang tunay na serbisyong may malasakit at pagtatrabahong walang pinipiling oras para sa pag mamahal sa bayan ng Culion… Nawa’y ang kabayanihan sa kasalukuyang panahon ay makita natin sa bawat isa. Maliit man o malaking kabayanihan ay malaking ambag sa ating pag abante”.
Dagdag pa rito ang sinusulong ng Tourism Office mula sa mensahe ni Sir Jubelle “Ang restorasyon ng ating mga historical sites nang sa gayon ay mas lalo nating maipakita sa ating bisita ang ganda at yaman ng ating kasaysayan. It is our belief that the story of Culion is a story that everyone should know, a story of hope and resiliency. We believe that preserving history and cultural heritage is a great tribute to the warriors of our past, a foundation of the present, and a promise of success to the future generation… bring Culion to the peak of our dreams”.
Nakiusap ang ating Lokal na Pamahalaan sa ating mga kababayan na mag-kaisa at mag tulungan na panatilihing malinis ang parke para sa mga susunod pang henerasyon upang sa tuloy-tuloy na pag abante ng bayan.