Skip to main content

PROGRAMANG MALASAKIT SA IMPRASTRAKTURA: HILING NI MAYOR V NA MULTI-PURPOSE HALL NG BARANGAY MALAKING PATAG AT BINUDAC PATAPOS NA!

Isa sa pinaka pangunahing pangangailangan ng bawat isang barangay ay ang pagkakaroon ng maayos na tanggapan, dito dinadaos ang mahahalagang pagpupulong, at ibat ibang serbisyo sa mga nasasakupan.

Sa pakikipag ugnayan ni Mayor Ma. Virginia N. De Vera sa opisina ng ating Congressman Franz Chikoy Alvarez nabigyang katuparan ang matagal ng pangrap ng Barangay Binudac at Malaking Patag na magkaroon ng maayos na brgy hall upang mas maihatid ang mas maayos na serbisyo sa kani kanilang barangay.

Batid ng Lokal na pamahalaan na hindi sapat ang pondo ng barangay upang makapag pagawa ng mga proyektong kagaya nito, kaya naman nag pursigi ang administrasyon ni Mayor V na maaprubahan ang proyekto at ngayon nga ay malapit nang matapos makalipas ang ilang linggong kontraksyon.\

Lubos ang pasasalamat ng Lokal na Pamahalaan sa ating Congressman Franz Chickoy Alvarez sa pagbibigay prayoridad sa pangangailang ng bayan ng Culion padating sa mg imprastraktura.

#programangmalasakitsaimprastraktura

#salamatCongchikoy

#workingmayor

#abanteculion

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan