
PROGRAMANG MALASAKIT SA IMPRASTRAKTURA UPDATES: PINASINAYAAN NGAYONG ARAW ANG INFORMATION COMMUNICATION TECHNOLOGY (ICT) BUILDING PARA SA CNHS!
Sa araw na ito ginanap ang Blessing and Turn-Over Ceremony ng ICT Building para sa Culion National High School sa pangunguna ng ating Mahal na Mayor Ma. Virginia N. De Vera.
Isang katagumpayan sa lokal na maipagpatuloy ang mga proyekto sa kabila ng pandemya na kinaharap at masuportahan ang sektor ng edukasyon sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mas maayos na pasilidad, upang lalong mas maitaas ang kalidad ng edukasyon sa ating bayan.
Lubos ang pasasalamat ng pamunuan ng CNHS dahil sa walang sawang suporta na binibigay ng lokal na pamahalaab upang mapabuti ang kalagayan ng mga kaguruan at mga estudyante.
Sa kabilang banda nais mag pasalamat ni Mayor V kay Congressman Franz “Chickoy” Alvarez sa patuloy na pag tulong sa bayan ng Culion at DPWH sa agarang aksyon upang maisakatuparan ang nasabing proyekto.
Sa huli ang mensahe ng ating Punong Bayan ay ang pagkakaisa sa kabila ng pandemya na kinakaharap upang maging matagumpay at umabante ang Culion!
#IHEALprograms
#MalasakitProgramsforInfra
#WorkingMayor
#AbanteEdukasyon
#AbanteCulion