PROGRAMANG MALASAKIT SA IMPRASTRAKTURA UPDATES: TURN-OVER & BLESSINGS CEREMONY NG SO. LOWER BUTNONGAN COVERED COURT AT BRGY. BINUDAC MUTI-PURPOSE BUILDING PINASINAYAAN NGAYONG ARAW!

Nitong biyernes (May 14, 2021) sa pangunguna ng ating Mayor Ma. Virginia N. De Vera kasama ang sangguniang bayan members, opisyal na pinasinayaan ang Turn-Over & Blessing Ceremony sa Barangay Binudac.

Bilang bahagi ng IHEAL Program ng administrasyon ni Mayor V, sa kabila ng pandemya na ating kinakaharap ay maayos na isasakatuparan ng lokal ang iba pang programa sa mga barangay na makakatulong sa ating mga kababayan. Sa araw na ito ang Covered Court sa So. Lower Butnongan na mula sa 20% Development Fund ng LGU at ang Barangay Multi-Purpose Building sa Barangay Proper Binudac na mula sa agresibong pakikipag ugnayan ng ating mayor sa opisina ni Congressman Franz “Chickoy” Alvarez katuwang ang DPWH ay buong pusong ipinagkakatiwala sa barangay ang pamamahala sa mga nasabing proyekto upang magamit at maiparating ang serbisyong barangay sa nasasakupan.

Malaking pasasalamat ng bawat isa na naisakatuparan ang matagal nilang minimithi sa matagal na panahon. Nais ng lokal na maipadama sa bawat isa ang tunay na malasakit upang umabante.

#IHEALprogram

#programangmalasakitsaimprastraktura

#workingmayor

#AbanteBarangay

#AbanteCulion

Our Trusted Supporters

Copyright © 2018. Municipality of Culion, Province of Palawan. All rights reserved.

Powered By:

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan