
PROGRAMANG MALASAKIT SA KABUHAYAN: MULING NAMAHAGI NG LIVESTOCK SA BARANGAY HALSEY!
Muling pinatunayan ng ating lokal na pamahalaan na tuloy-tuloy ang serbisyo sa ating mga kababayan sa pangunguna ng ating Mahal na Mayor Ma. Virginia N. De Vera kasama ang mga SB members sa pamamahagi ng karagdagang hanapbuhay at pagkakakitaan.
Ang bawat pamilyang benepisaryo ay nakatanggap ng isang biik bilang dagdag kabuhayan o panimula para sa unti-unting pagbangon sa krisis na kinaharap nitong nagdaang taon.
Mayroon 15 pamilyang benepisaryo ang nakatanggap ng dagdag kabuhayan mula sa Barangay Halsey.
Patuloy na mag iikot si Mayor V sa komunidad upang mamahagi ng tulong pangkabuhayan sa mga susunod pang mga araw.
#workingmayor
#programangmalasakit
#kabuhayansabawatmamamayan
#IHEALprogram
#AbanteCulion!