Skip to main content

PROGRAMANG MALASAKIT SA KALUSUGAN: MEDICAL MISSION HANDOG NG LOKAL NA PAMAHALAAN SA PANGUNGUNA NI MAYOR V NAG SIMULA NA SA OUTSIDE POBLACION!

Makalipas ang dalawang taon naging mahirap ang access sa ospital at pag papakunsulta dahil sa pandemya, naging limitado ang galaw dahil sa banta ng COVID sa ating kalusugan. Bilang tugon at bahagi ng Programang Malasakit, inilunsad ang Medical Mission sa pangunguna ni Mayor Viniang De Vera ito’y para maihatid ang libreng serbisyo medikal sa ating mga kababayan upang masiguro ang kalusugan sa bawat barangay higit ang mga nasa malalayong lugar.
Sa Barangay Halsey unang araw ng Medical Mission kung saan nagbibigay ng libreng konsultasyon, libreng tuli,libreng minor operation at libreng gamot sa ating mga senior citizen, sanggol, buntis at bata.
Magpapatuloy ang nasabing aktibidades sa ating mga kababayan sa población upang maihatid ang programa sa lahat ng ating kababayan.
#ProgramangMalasakit
#Kalusuganangprayoridad
#MedicalMission
#TatakMayorV
#AbanteCulion
Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan