
PROGRAMANG MALASAKIT SA KALUSUGAN: PINANGUNAHAN NI MAYOR V ANG PAGLUNSAD NG COVID-19 VACCINATION SA BAYAN NG CULION!
Sa pangunguna ng ating Mayor Ma. Virginia N. De Vera kasama ang mga SB Members opisyal na pinasinayaan ang Resbakuna sa ating bayan.
Thursday, March 25, 2021, ng simulan ang pag babakuna sa ating mga frontliners mula sa ibat-ibang ahensya na nangunguna sa pag responde sa mga nakalipas na taon at sa kasalukuyan dahil sa banta ng COVID-19. Kabilang sa prayoridad ang ating mga Senior Citizen na kasama sa nabakunahan. Ito ay isa sa mga hakbangin upang ingatan at pangalagaan ang ating mga magigiting na frontliners na patuloy na naglilingkod upang magbigay ng serbisyo sa panahon ng pandemya.
Pinasasalamatan ng lokal na pamahalaan ang ating National Government at DOH na napabilang ang ating bayan na agarang mabigyan ng bakuna para sa COVID-19.
#resbakuna
#malasakitsafrontliners
#kontraCOVID19
#CULIONCOVIDFREE
#AbanteCulion