Skip to main content

PROGRAMANG MALASAKIT SA KOMUNIDAD- PAG SASAAYOS NG PATUBIG SA SO. MAMPOK, SO.LELE AT BINUDAC PROPER

Isa sa mahalagang gamit ng tao ay ang tubig sa pang araw-araw, kung kayat ngayong araw binigyan katuparan ng ating mahal na mayor Ma. Virginia Nakachi De Vera na mag karoon ng libreng access sa tubing na makakatulong sa pang-araw araw na suliranin ng barangay na nasa malayong lokasyon sa poblasyon kung saan bahagi ng administrasyon sa kanyang programang malasakit sa kumunidad.

Kaya’t inihandog ng pamahalaan ang libreng materyales na mag kokonekta mula sa source ng kanilang tubig papunta sa kumunidad upang maibsan ang kalbaryo ng ating mamamayan pag dating sa pang araw-araw na pangangailangan sa tubig.

Ang nasabing materyales para sa patubig ay ibinigay sa Brgy. Binudac Proper kung saan mayroong mahigit 212 na pamilya ang makikinabang, So. Lele 10 pamilya at So. Mampok Brgy. M. Patag na may 35 na pamilya ang makikinabang sa nasabing proyekto.

Kasama ng ating butihing mayor V na naglibot sina SB Solas at ilang kawani ng gobyerno

Naniniwala ang pamahalaan isa itong daan upang higit na mapabuti ang kalagayan ng bawat barangay na mayroong malinis at ligtas na magagamit na tubig upang malabanan ang mga sakit dahil sa hindi pag kakaroon ng malinis na tubig.

Isa ang proyektong patubig sa mga prayoridad ni Mayor V, kung kayat mas ninais na sa mga susunod na buwan ay mag kakaroon ng konkretong water system ang mga nasabing kumunidad.

Bilang karagdagan sa kahilingan ng kumunidad namahagi din ng yero, at semento na makakatulong sa barangay upang mayroon maayos na pasilidad na makikinabang ang lahat. Sa kabila ng covid situation ay sinigurado ni Mayor V na patuloy na dumaloy ang serbisyo sa ating mga komunidad

Putuloy ang pamahalaan na maipadama ang tunay na malasakit sa bawat barangay at kumunidad na hindi titigil sa pag hahatid ng serbisyong malasakit.

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan