
PROGRAMANG MALASAKIT SA PANAHON NG KALAMIDAD AT SAKUNA: BIKTIMA NG BAGYONG QUINTA BINIGYAN NG RECOVERY ASSISTANCE!
Taong 2020 buwan ng Oktubre ng manalanta sa ating bayan ang bagyong Quinta na nag dulot ng pagkasira ng ilang kabahayan at kabuhayan sa ating mga kababayan.Hindi pa man lubos na natapos ang sungit ng panahon dulot ng bagyong Quinta ay agad nang inatasan ng ating punong bayan Mayor Ma. Virginia Nakachi De Vera si Municipal Administrator Maxim F. Raymundo na mag-ikot sa mga barangay kasama ang Rapid Damage Assestment and Needs Analysis Team (RDANA Team) sa pangunguna ng MDRRM Office na tukuyin ang mga kabahayang lubos na naapektuhan at mabigyan ng tulong. Matapos ang pag susuri sa ibat-ibang barangay mayroong mahigit Walongpu’t-Pito (87) na kabahayan ang naitalang naapektuhan na nagmula sa Barangay Galoc, Jardin, Binudac, Balala, Malaking Patag, Tiza at Osmena.
Kaya nitong Enero 6 taong kasalukuyan ay nagbigay ng tulong pinansyal o Assistance Recovery ang Lokal na Pamahalaan bilang panimula sa pagsasayos ng kani-kanilang kabahayan ayun sa datos at laki ng nasira sa kanilang tahanan at kabuhayan kung saan ang bawat pamilya ay tumanggap ng mula Isang Libong (Php.1,000.00) Piso hanggang Sampung Libong (Php.10,000.00) Piso na direktang ipinamahagi sa mga apektadong pamilya.
Labis ang kagalakan ng mga benipesaryo sa tulong pinansyal at agarang aksyon na ipinadarama ng Lokal na Pamahalaan sa pagmamalasakit sa higit na nangangailangan sa panahon ng kalamidad at sakuna.