Skip to main content

Programang Malasakit: Tampel Additional Toilet Set

Matatandaang nagtungo ang Malasakit Team sa isang maliit na komunidad sa Sitio Tampel nito lamang nakalipas na dalawang linggo. Tayo ay muling nagtungo dito upang ipamahagi naman ang kanilang pahabol na kahilingan kay Mayor V na mabigyan ng mga materyales para sa kanilang mga CR.
Sa hudyat ni Mayor V ay agad na kumilos ang ating Malasakit Team. Kaya naman sa pagdunggo sa kanilang dalampasigan ay masaya nilang sinalubong ang ating team at masiglang tumulong sa pagdidiskarga ng kanilang mga kahilingan.
Bakas man ang hiya sa kanilang mga mukha ay damang-dama naman ng Malasakit Team ang mainit nilang pagtanggap at ang kasiyahan sa kanilang mga ngiti. Ang Programang Malasakit ay patuloy na maghahatid ng saya at pag-asa sa ating mga tahanan at mananatiling programa na may tunay na Malasakit sa buong bayan ng Culion.

Watch Here: https://www.facebook.com/ProgramangMalasakitniMayorV/videos/a.216660520534703/660383614923480

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan