Skip to main content

PROGRAMANG MALASAKIT UPDATES: BARANGAY TIZA AT MGA SITIOS NA SAKOP NITO MATAGUMPAY NA NAPAILAWAN SA PAMAMAGITAN NG SOLAR LIGHT ELECTRIFICATION PROJECT NI MAYOR V!

Tuluyan nang lumiwanag ang mga kalsada sa Barangay Tiza at mga Sitios nito sa pagsapit ng dilim, ang dating madilim na mga kalye na maaring pagmulan ng aksidente sa mga motorista at mga naglalakad nating kababayan ay mas naging ligtas dulot ng pailaw.
Ang nasabing proyekto ay sa ilalim ng Programang Malasakit: Solar Lights Electrification ng Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ng Administrasyon ni Mayor V na ang layunin ay pagandahin ang ating lansangan at maging ligtas lalo’t sa gabi.
Makakaasa ang taong bayan sa mga proyektong kapakipakinabang para sa ating bayan at tinitiyak na ang administrasyon ni Mayor V ay hindi titigil sa adhikaing maipadama ang malasakit at serbisyo para sa tuloy-tuloy na pagabante. Ito ay ang ikalawang bahagi (second wave) ng programa at mag papatuloy sa mga susunod na ang lahat ay mapapailawan sa lahat ng barangay at sitios.
#ProgramangMalasakit
#SolarLightsElectrificationProject
#TatakMayorV
#AbanteCulion
Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan